4 na milyong Pinoy walang trabaho ayon sa PSA
Umabot sa apat na milyong mga Filipino ang naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) na walang trabaho o walang pinagkakakitaan noong Enero 2021.
Ayon sa PSA, ang unemployment rate ay naitala sa 8.7 percent noong Enero.
Ang 8.7 unemployment rate para sa January 2021 ay higit na mas mataas kumpara sa 5.3 percent lamang noong January 2020.
Umabot naman sa 16 percent o katumbas ng 6.6 milyong indibidwal ang underemployed.
Sa populasyon ng labinlimang taong gulang pataas, ang bilang ng mga indibidwal na nasa labor force o mga indibidwal na employed ay naitala sa 45.2 milyon nitong nakaraang Enero 2021, at 44.9 milyon noong Enero 2020.