4.5 percent inflation rate naitala noong nagdaang buwan ng Mayo

4.5 percent inflation rate naitala noong nagdaang buwan ng Mayo

Nanatili sa 4.5 percent ang naitalang inflation rate para sa buwan ng Mayo.

Sa virtual press conference iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 4.5 percent inflation rate na kahalintulad ng naitalang inflation noong Abril.

Ayon kay PSA Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, kung ikukumpara noong Mayo ng nakaraang taon, mas mabilis ang naitalang inflation nitong nagdaang Mayo.

2.1 percent lamang kasi ang inflation rate noong May 2020.

Pangunahing nag-ambag sa overall inflation nitong Mayo 2021 ay ang Food and Non-alcoholic Beverages na may inflation na 4.6 percent at 39.5 percent share sa pangkalahatang inflation.

Ang pangalawang commodity group na may pinakamalaking ambag sa pangkalahatang inflation nitong Mayo 2021 ay ang Transport na may 16.5 percent inflation at 29.8 percent share sa pangkalahatang inflation.

Ang Restaurant and Miscellaneous Goods and Services ang ikatlo sa may pinakamalaking ambag sa pangkalahatang inflation nitong Mayo 2021. Ito ay nagtala ng 3.8 percent inflation at 10.7 percent share. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *