4.2 percent inflation rate naitala noong Enero
Bumilis ang inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa nagdaang buwan ng Enero.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), 4.2 percent ang naitalang inflation rate para sa nasabing buwan.
Mas mataas kumpara sa 3.5 percent noong December 2020.
Higit ding mas mabilis ang January 2021 inflation rate kumpara sa 2.9 percent lang noong January 2020 inflation rate.
Ayon sa PSA, ang pagtaas ng presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages ang pangunahing dahilan ng pag-angat ng inflation.