Mangingisda nahulog sa bangka matapos makabingwit ng dambuhalang isda; 5-araw nagpalutang-lutang sa karagatan

Mangingisda nahulog sa bangka matapos makabingwit ng dambuhalang isda; 5-araw nagpalutang-lutang sa karagatan

Isang mangingisda na limang araw nagpalutang-lutang sa karagatan ang nailigtas sa bahagi ng Governor Generoso, Davao Oriental.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), base sa salaysay ng mangingisdang si Julius Talaid, noong August 12, 2023 ay umalis sila ng General Santos City lulan ng FB CHENE MAE para mangisda.

Noong August 23, mag-isang naglayag si Talaid sakay ng maliit na small motorbanca at gumamit ng tinatawag na “payaw” para makapangisda.

Pero nahila siya ng malaking isda na kaniyang nahuli dahilan para magpalutang-lutang siya sa tubig ng limang araw.

Maswerteng namataan si Talaid ng dumaraang Singaporean-flagged bulk carrier na MV MAXWELL sa katubigan na sakop ng Cape San Agustin.

Ang MV MAXWELL ay naglalayag noon patungong China galing ng Newcastle, Australia.

Isinama ng MV MAXWELL sa kanilang paglalayag ang nailigtas na mangingsda.

Nag-deploy naman ng mga tauhan ang Coast Guard District Northeastern Luzon para makuha si Talaid mula sa nasabing barko.

Ayon sa PCG rescue team, ligtas ng naihatid si Talaid safely sa Veterans Wharf sa Aparri, Cagayan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *