Bagong traffic scheme sa La Salle Green Hills ipatutupad na simula bukas

Bagong traffic scheme sa La Salle Green Hills ipatutupad na simula bukas

Simula bukas, Sept. 4 ay ipatutupad na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang morning drop off temporary traffic scheme sa La Salle Green Hills, Mandaluyong City.

Ang traffic management plan ay resulta ng ginawang pagpupulong ng MMDA at ng management ng paaralan para mabawasan ang pagsisikip sa daloy ng trapiko sa lugar.

Sa ilalim ng ipatutupad na sistema, isasara ang Gate 4 ng paaralan at ang gagamiting entrance ay ang Gate 5.

Maaaring kumanan sa sandaling makapasok na sa Gate 5 at kakaliwa sa bahagi ng pagoda.

Ang drop off points para sa Grades 1-12 ay sa harap ng emergency bay, SHS bldg entrance, gym ramp.

Ang labasan naman ay sa Gate 6.

Pinapayuhan ang mga motorista na panatilihin ang one lane.

Ang mga motorista na galing ng EDSA flyover ay pinapayuhang pumasok sa Gate 6.

Sa mga gagamit naman ng U-turn slot, kung hindi kakayaning mag-merge sa linya papuntang gate 4, maaaring dumiretso sa gate 6. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *