DSWD pinaalalahanan ang publiko na iwasan ang pagdadala ng mga bata sa loob ng ahensya

DSWD pinaalalahanan ang publiko na iwasan ang pagdadala ng mga bata sa loob ng ahensya

Pinayuhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na iwasan ang pagdadala ng bata kapag magtutungo sa ahensya.

Ayon sa abiso ng DSWD, dahil sa limitado lamang ang pasilidad ng tanggapan para sa mga kliyente ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), mahigpit na ipinagbabawal ng DSWD ang pagdadala ng mga anak o mga bata sa loob ng ahensiya.

Ito ay para maiwasan ang anumang panganib o aksidente na maaaring mangyari sa sa mga bata.

Ang Ciris Intervention Unit (CIU) ng ahensya ay bukas sa lahat ng rehiyon sa bansa mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Narito naman ang ilan pang paalala para sa mga magtutungo sa DSWD Central Office sa Batasan, Quezon City:

❌ Ipinagbabawal ang pananatili ng nga kliyente sa paligid ng DSWD na lagpas sa oras na nabanggit.

❌ Ipinagbabawal din ang paghihintay o pag-aabang sa pila simula gabi hanggang madaling araw at hinihikayat na magtungo lamang sa oras na binigay. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *