Typhoon Hanna lumakas pa; Signal No. 1 nakataas sa Batanes at Babuyan Islands
Lalo pang lumakas ang Typhoon Hanna na nananatili sa karagatan ng bansa.
Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa layong 220 kilometers north northeast ng Itbayat, Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 190 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers sa direksyong pa-kanluran.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Batanes at sa Babuyan Islands.
Ayon sa PAGASA, ang Habagat na pinalalakas ng bagyo ay patuloy na magdudulot ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Ngayong araw ng Linggo, Sept. 3 makararanas pag-ulan sa Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Nueva Vizcaya, Zambales, Pampanga, Bataan, Aurora, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at sa northern portion ng Eastern Visayas.
Bukas araw ng Lunes, Sept. 4, uulanin pa rin ang Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Abra, Benguet, Apayao, Nueva Vizcaya, Zambales, Pampanga, Bataan, Aurora, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, malaking bahagi ng Bicol Region, MIMAROPA, at Western Visayas.
Ayon sa PAGASA posibleng mamayang gabi o bukas ng umaga ay lalabas na ng bansa ang bagyo.
Magtutungo naman ito sa southern Taiwan. (DDC)