Bagyong Hanna napanatili ang lakas; Habagat patuloy na magpapaulan sa Luzon at bahagi ng Visayas

Bagyong Hanna napanatili ang lakas; Habagat patuloy na magpapaulan sa Luzon at bahagi ng Visayas

Napanatili ng Typhoon Hanna ang lakas nito habang nananatili sa karagatan.

Sa 5PM weather bulletin ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 170 kilometers east northeast ng Itbayat, Batanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 120 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.

Ayon sa PAGASA, walang direktang epekto sa bansa ang bagyong Hanna.

Gayunman, ang Habagat na pinalalakas nito, at ng Typhoon Saola na dating bagyong Goring ang nagdudulot ng pag-ulan sa Luzon at ilang bahagi ng Visayas.

Ayon sa PAGASA, bukas araw ng Sabado (Sept. 2) patuloy na makararanas ng pag-ulan sa Batanes, Ilocos Region, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, Bulacan, Aurora, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at sa northern portion ng Eastern Visayas.

Sa Linggo ng hapon o gabi inaasahang lalabas ng bansa ang bagyong Hanna. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *