Pang. Marcos hinikayat ang publiko na isumbong ang mga lalabag sa price cap sa bigas

Pang. Marcos hinikayat ang publiko na isumbong ang mga lalabag sa price cap sa bigas

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang publiko na isumbong ang mga lalabag sa Executive Order (EO) No. 39 na nagtatakda ng price ceiling sa bigas.

Sinabi ng pangulo na maaaring magsumbong sa pulisya, sa Department of Agriculture (DA) o sa local government kapag mayroong magbebenta ng bigas na ang presyo ay lagpas sa itinakdang price ceiling.

Sa nilagdaang EO ng pangulo, itinatakda sa P41 ang presyo ng kada kilo ng regular milled rice habang P45 naman kung well-milled rice.

Sinabi ng pangulo na inatasan ang mga ahensya ng gobyerno kabilang ang DA, Department of Trade and Industry (DTI), Department of Interior and Local Government (DILG), Bureau of Customs (BOC), Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies na imonitor ang presyohan ng bigas sa merkado.

Sinabi ng pangulo na ang price cap sa bigas ay iiral sa buong bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *