Presyo ng bigas dapat nasa P41 hanggang P45 lang kada kilo ayon sa Malakanyang

Presyo ng bigas dapat nasa P41 hanggang P45 lang kada kilo ayon sa Malakanyang

Nagtakda ng price cap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa presyo ng bigas.

Kasunod ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Inanunsyo ng Office of the President na sa ilalim ng ipatutupad na price ceiling, ang presyo kada kilo ng regular milled rice ay dapat P41, habang P45 naman kada kilo ang well-milled rice.

Magugunitang pumapalo sa P50 pataas ang presyo ng kada kilo ngayon ng bigas sa merkado.

Ang pasya ng pangulo ay base na din sa rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Department of Agriculture (DA). (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *