Palawan Island idineklarang “insurgency-free”

Palawan Island idineklarang “insurgency-free”

Nakiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagdeklarang insurgency-free na ang Palawan Island araw ng Biyernes, ika-1 ng Setyembre.

Ang aktibidad ay kasabay din ng pagbubukas ng selebrasyon para sa National Peace Consciousness Month.

Binigyang-pugay ng pangulo ang pagtutulungan ng pamahalaan at mga Palawenyo sa implementasyon ng whole-of-nation approach upang matuldukan ang karahasan sa probinsya.

Sinabi ni Pangulong Marcos na ang deklarasyon sa Palawan bilang insurgency-free ay mahalaga sa tourism industry ng bansa.

Sa pamamagitan nito sinabi ng pangulo na makapagpapatupad ang local government units ng mas maraming programa na pakikinabangan ng kanilang komunidad dahil wala ng banta ng communist terrorist groups (CTGs) sa lalawigan.

Isa ang Palawan sa tanyag na destinasyon para sa mga turista.

Dahil dito, isa ang lalawigan sa may pinakamalaking kontribusyon sa paglago ng tourism industry at ekonomiya ng bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *