Bagong 10-dashed line ng China na sumasakop na sa buong South China Sea kinondena ng DFA
Kinondena ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang panibagong bersyon ng mapa na inilabas ng China na mula sa nine-dashed line ngayon ay ten-dashed line na.
Ang nasabing Standard Map ng China ay inilabas ng cng People’s Republic of China noong Aug. 28.
Ayon sa pahayag ng DFA, walang basehan sa ilalim ng international law ang panibagong pagtatangka ng China na angkinin ang mga teritoryong sakop ng Pilipinas.
Partikular na kung ang pagbabatayan ay ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Ayon sa DFA, sa 2016 Arbitral Award ay pinawalang bisa na ang nine-dashed line ng China.
Dahil dito ay nanawagan ang Pilipinas sa China na maging responsable at sumunod sa obligasyon nito sa ilalim ng UNCLOS at sa final at binding na 2016 Arbitral Award. (DDC)