Pagpapatupad ng bagong travel guidelines para sa mga Pinoy na paalis ng bansa sinuspinde ng DOJ
Sinuspinde ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapatupad ng bagong travel guidelines para sa mga Pinoy na lalabas ng bansa.
Aon sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), hindi muna ipatutupad ang bagong travel guidelines kasunod na din ng mga concern na inilahad sa senado.
Nilinaw naman ng IACAT na hindi layon ng bagong guidelines na pahirapan ang mga pasahero.
Dapat ay magiging epektibo ang bagong travel guidelines para sa mga umaalis na Pinoy sa Seot. 3, 2023.
Gayunman, nagbabala si Sen. Risa Hontiveros na ang bagong guidelines ay maaaring magresulta sa mas mahabang pila at delays sa immigration counters sa mga paliparan.
Naniniwala si Hontiveros na dapat pag-aralan muna muli ng IACAT ang mas istriktong guidelines dahil magdudulot ito ng abala at dagdag na pahirap sa mga pasahero. (DDC)