Yellow warning nakataas pa rin sa Metro Manila, Zambales at Bataan
Nananatiling nakataas ang Yellow Warning sa Metro Manila at sa mga lalawigan ng Bataan at Zambales.
Ito ay dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan na dulot ng Habagat na pinalalakas ng bagyong Goring na nasa labas na ng bansa.
Sa Heavy Rainfall Warning na inilabas ng PAGASA, maaari ng makaranas ng pagbaha sa mga mababang lugar.
Samantala, nakararanas pa din ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, at sa General Nakar, Infanta, at Real, Quezon.
Asahan din ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Tarlac, Nueva Ecija, Laguna, Batangas, at sa nalalabing bahagi ng Quezon. (DDC)