Bagyong Hanna napanatili ang lakas; Habagat magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

Bagyong Hanna napanatili ang lakas; Habagat magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

Napanatili ng Severe Tropical Storm Hanna ang lakas nito habang nananatili sa Philippine Sea.

Ang sentro bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa layong 1,225 kilometers East ng Extreme Northern Luzon.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong 115 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis na 20 kilometers bawat oras.

Ang bagyong Hanna at Super Typhoon Saola na dating bagyong Goring ay kapwa nagpapalakas sa Habagat.

Dahil sa Habagat, patuloy na makararanas ng pag-ulan ngayong araw (Aug. 31) hanggang bukas (Sept. 1) sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Aurora, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at sa northern portion ng Eastern Visayas.

Sa Sabado naman (Sept. 2) uulanin pa rin ang Zambales, Bataan, Bulacan, Aurora, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at ang northern portion ng Eastern Visayas.

Mananatili sa karagatan ang bagyong Hanna at inaasahang lalabas din agad ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng tanghali o bukas ng gabi. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *