Pitong kalsada sarado sa mga motorista dahil sa pinsala ng bagyong Goring

Pitong kalsada sarado sa mga motorista dahil sa pinsala ng bagyong Goring

Pitong kalsada ang sarado sa mga motorista matapos mapinsala ng bagyong Goring ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ng ahensya na nagdulot ng pagbaha, landslide, slope collapse, road cut, at pinsala sa tulay ang bagyong Goring sa ilang mga lansangan sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley Region at Western Visayas.

Mayroon pang apat na kalsada sa CAR ang nananatiling sarado sa mga motorista kabilang ang Kennon Road sa Camp One, Tuba, Benguet.

Habang tig-iisang kalsada sa Region 1, 2 at 6 ang hindi pa din madaanan.

Sa iba pang bahagi ng CAR, Region 1 at 4A ay mayroon ding pito pang mga kalsada na limitado lamang na madaraanan ng mga motorista dahil din sa pinsala ng bagyo.

Tiniyak naman ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan na patuloy ang kanilang Regional at District Engineering Offices sa pagsasaayos ng mga apektadong kalsada at tulay. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *