Game Changer na Scholarship Program ng Taguig pakikinabangan ng EMBO residents

Game Changer na Scholarship Program ng Taguig pakikinabangan ng EMBO residents

Inilarawan ni Asst. Sec. JV Arcena, Assistant Secretary for Special Concerns and International Press Secretariat bilang “holistic, flexible, inclusive at game changer” ang Scholarship Program sa Taguig City.

Ang nasabing programa ayon kay Arcena ay pakikinabangan na rin ngayon ng mga estudyante sa EMBO Barangays.

Sa kaniyang column na may titulong Unorthodox, kumpara sa Makati City na nag-aalok ng scholarship sa top 10% lamang ng kanilang estudyante…. sa Taguig City ay iniaalok ang oportunidad sa lahat ng estudyante at hindi hadlang kung anuman ang kanilang academic achievements.

Tinukoy ni Arcena ang scholarship program ng Taguig kung saan binibigyan ng financial assistance sa mga estudyante na mula sa halagang P15,000 hanggang P110,000 kada taon depende sa aaplayang scholarship program.

Sa isang post sa Facebook ay ibinahagi ng isang DLSU student na si Briann Sophia Reyes kung paano siya nakinabang sa scholarship ng Taguig LGU.

Ayon kay Reyes walang dapat ikabahala ang mga magulang ng mga estudyanteng nag-aaral sa 14 na EMBO schools.

Ibinahagi ni Reyes ang kaniyang karanasan kasunod na din ng agam-agam ng mga magulang na hindi sila makakakuha ng benepisyo mula sa Taguig City bunsod ng mga naglalabasang fake news at black propaganda na nagmamaliit sa kakayahan ng Taguig City.

Bilang tugon, nanawagan si Taguig City Mayor Lani Cayetano na iwasan na ang pagpapakalat ng maling impormasyon ng dahil lamang sa hindi matanggap na pinal na desisyon ng korte suprema.

Maliban sa mga benepisyo para sa mga mag-aaral, ang Taguig ay mayroon ding door to door delivery sa kanilang mga mamamayan.

Ang mga Senior Citizens at Persons with Disabilities ay nakakatanggap ng door to door birthday cash gifts.

Habang ang mga may asthma, hypertension at diabetes ay mayroong house delivery ng kanilang maintenance medicines. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *