Pang. Marcos nakidalamhati sa pagpanaw ni Mike Enriquez

Pang. Marcos nakidalamhati sa pagpanaw ni Mike Enriquez

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos JR. sa pagpanaw ng beteranong news anchor na si Mike Enriquez.

Sa kaniyang official Twitter account sinabi ng pangulo na nakalulungkot ang balitang pagpanaw ng beteranong brodkaster na isang haligi sa broadcasting industry.

Inialay aniya ni Enriquez ang kaniyang buhay sa paghahatid ng unbiased news sa sambayanang Filipino.

“We are saddened by [the] news of the passing of veteran anchor Mike Enriquez, a pillar in our broadcasting industry. He dedicated his life to delivering unbiased news to the Filipino people,” ayon sa pangulo.

Ipinaabot ng pangulo ang kaniyang pakikidalamhati sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Enriquez. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *