Malaking bahagi ng bansa uulanin pa rin dahil sa bagyong Goring at Habagat; Signal No. 3 nakataas sa Batanes at bahagi ng Babuyan Islands

Malaking bahagi ng bansa uulanin pa rin dahil sa bagyong Goring at Habagat; Signal No. 3 nakataas sa Batanes at bahagi ng Babuyan Islands

Patuloy na magpapaulan sa northern portion ng bansa ang Super Typhoon Goring.

Sa 8AM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa layong 90 kilometers west southwest ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 195 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 240 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.

Nakataas ang tropical cyclone wind signals sa mga sumusunod na lugar:

Signal No. 3
– Batanes
– northern and western portions of Babuyan Islands (Babuyan Is., Calayan Is., and Dalupiri Is.)

Signal No. 2
– rest of Babuyan Islands
– northern portion of Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Bangui, Dumalneg, Burgos)
– extreme northwestern portion of mainland Cagayan (Santa Praxedes, Sanchez-Mira, Claveria, Pamplona, Abulug)

Signal No. 1
– northern and central portions of Cagayan (Solana, Tuao, Iguig, Amulung, Santo NiƱo, Piat, Rizal, Lasam, Gattaran, Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Santa Teresita, Buguey, Baggao, Alcala, Camalaniugan, Aparri, Allacapan, Ballesteros)
– Apayao
– northern portion of Kalinga (Balbalan, Pinukpuk)
– northern portion of Abra (Tineg, Lagayan, Lacub, Malibcong, San Juan, Danglas, La Paz, Dolores, Bangued, Lagangilang, Licuan-Baay)
– rest of Ilocos Norte
– extreme northern portion of Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal)

Ayon sa PAGASA, ngayong araw ng Miyerkules (Aug. 30) ang bagyo ay magdudulot ng pag-ulan sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte, Apayao, Cagayan, Ilocos Sur, at Abra.

Ang Habagat naman na pinalalakas ng bagyo ay maaaring magpaulan sa western portions ng Luzon at sa Visayas.

Kabilang sa makararanas ng pag-ulan ngayong araw dahil sa Habagat ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Bulacan, Aurora, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Western Visayas.

Mamayang gabi o bukas ng umaga ay inaasahang lalabas ng bansa ang bagyong Goring. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *