One-Stop-Shop Help Desk itinayo sa mga paaralan sa Metro Manila
Kasabay ng balik-eskwela, nag-tayo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasama ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Philippine National Police (PNP), at mga lokal na pamahalaan, ng One Stop-Shop Help Desk sa ilang paaralan sa Metro Manila para masiguro ang kaayusan ng unang araw ng pasukan.
Ang One Stop-Shop Help Desk ay nasa ilalim ng Oplan Balik Eskwela na naglalayong tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral sa pagbubukas ng face to face classes.
Ilan sa mga paaralan na may maraming mag-aaral ay ang mga sumusunod:
Benigno S. Aquino Jr. Elementary School
Batasan Hills High School
Miriam College sa Quezon City
Manila City University Belt sa EspaƱa at Legarda
Manila City Philippine Christian University
Nag-deploy ang ahensiya ng total na 30 traffic personnel sa bawat paaralan na nabanggit para tumulong sa pagmando ng trapiko sa paligid. (Bhelle Gamboa)