Batas na nag-aatas na magtayo ng Specialty Centers sa mga rehiyon sa bansa nilagdaan na ni Pang. Marcos
Aprubado na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act (RA) No. 11959, o ang “Regional Specialty Centers Act” na bahagi ng hakbang ng kaniyang administrasyon na makapagtatag at gawing institutionalize ang mga healthcare center sa bawat rehiyon.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), magiging epektibo ang batas, 15-araw matapos ang pagsasapubliko.
Sa ilalim ng batas, ang Department of Health (DOH) ay kailangang maglagay ng specialty centers sa mga DOH hospital sa bawat rehiyon at sa GOCC specialty hospitals.
Ang mga specialty center ay dapat nakatutok sa cancer care, cardiovascular care, lung care, renal care and kidney transplant, brain and spine care, trauma care at burn care.
Kailangangan ding mabigyang prayoridad ang orthopedic care, physical rehabilitation medicine, infectious disease and tropical medicine, toxicology, mental health, geriatric care, neonatal care, dermatology, eye care, at ear, nose, and throat care.
Nakatakdang buuin ng DOH ang implementing rules and regulations para sa nasabing batas katuwang ang NSCs, DOH hospitals at iba pang stakeholders. (DDC)