2 lalaki nasampolan sa pagpapatupad ng election gun ban sa Las Piñas

2 lalaki nasampolan sa pagpapatupad ng election gun ban sa Las Piñas

Iniulat ng Southern Police District ang pagkakahuli sa dalawang lalaking gun violators sa pagpapatupad ng gun ban ng Commission on Elections (COMELEC) para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Kinilala ni SPD chief, Brigadier General Roderick Mariano ang mga naarestong suspek na sina Felizardo Almarez, 25-anyos, at Jameson Argabio, 32-anyos.

Ayon sa report, dakong 12:50 ng madaling araw ng Agosto 29, nagsagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) kasama ang HPGFMI Force Multiplier sa Pulang-lupa Dos, Las Piñas City nang parahin ang magkaangkas sa motorsiklo na kapwa walang suot na helmet.

Sa halip na huminto ay pinaharurot pa ng mga suspek ang motorsiklo dahilan upang habulin sila ng mga otoridad.

Kaagad na nasakote ang mga suspek at narekober ang isang 38 revolver, switch blade, motorcycle, bolt cutter and surgical scissor.

Nabigo umano ang mga suspek na magpakita ng katibayan o permiso sa pagdadala ng baril na nagresulta ng kanilang pagkakaaresto.

Mahaharap sa paglabag sa RA 10591 at BP6 in relation to Omnibus Election Code ang dalawang suspek.

“We humbly request the public to fully cooperate with the election gun ban and refrain from carrying firearms and deadly weapons as the SPD will remain committed in ensuring the rule of law to ensure safe environment that encourages a fair and violence-free election,” pahayag ni BGen Mariano. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *