20 percent discount sa mga mag-aaral sa pampublikong sasakyan, ipinaalala ng DOTr kasabay ng pagbubukas ng klase

20 percent discount sa mga mag-aaral sa pampublikong sasakyan, ipinaalala ng DOTr kasabay ng pagbubukas ng klase

Kasabay ng pagbubukas ng klase sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na patuloy na ipatutupad ang 20 percent discount sa mga mag-aaral.

Pinaalalahanan ng DOTr ang mga tsuper na dapat bigyan ng 20% discount ang mga estudyanteng sasakay sa mga pampublikong sasakyan— weekend man, holiday, summer o semestral break.
Kailangan lamang makapagpakita ng student ID para sa diskwento.

Sa ilalim ng RA 11314 o ang Student Fare Discount, ang mga estudyante ay dapat bigyan ng 20 percent discount sa pamasahe sa jeep, bus, taxi, LRT, MRT, PNR, eroplano at mga pampasaherong barko.

Ang diskwento ay para sa mga estudyanteng Pilipino ng elementarya, secondary, technical, vocational, college at Higher Education Institution. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *