Bagyong may international name na Haikui papasok sa bansa bukas ng umaga – PAGASA
Patuloy na lumalapit sa bansa ang bagyong binabantayan ng PAGASA na may international name na Haikui.
Sa 11AM Tropical Cyclone update ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,660 km East ng Extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong 90 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo as direksyong West Northwest sa bilis na 20 kilometers bawat oras.
Ayon sa PAGASA, bukas ng umaga inaasahang papasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo at papangalanan itong “Hanna”.
Mananatili sa karagatan ang bagyo habang nasa loob ng bansa.
INaasahang lalabas ito ng PAR sa Biyernes.
Ayon sa PAGASA, lalakas pa ang bagyo at aabot sa typhoon category. (DDC)