Japan pinasalamatan ng pamahalaan sa tulong sa Railway Project sa bansa

Japan pinasalamatan ng pamahalaan sa tulong sa Railway Project sa bansa

Nagpasalamat ang Department of Transportation (DOTr) sa pamahalaan ng Japan sa tulong nito sa konstruksyon at modernisasyon ng railway infrastructure sa Pilipinas.

Personal na ipinaabot ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista ang pasasalamat sa idinaos na 14th High-Level Joint Committee Meeting on Infrastructure and Economic Cooperation sa Tokyo.

Ayon kay Bautista may mga ongoing railway projects sa bansa na sinusuportahan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Binanggit ni Bautista ang paglalagak ng 600 billion Japanese yen na halaga ng investment ng private sector ng Japan para sa transport system ng Pilipinas.

Partikular na proyektong binanggit ng kalihim ang Metro Manila Subway, North-South Commuter Railway at ang MRT-3 Rehabilitation and Maintenance Projects.

Binanggit din Bautista ang technical cooperation assistance ng JICA sa nagpapatuloy na feasibility study para sa New Clark City Extension ng North-South Commuter Railway.

Ayon kay Bautista hiniling din ng pamahalaan ang tulong ng Japan para naman sa feasibility study sa second phase ng Metro Manila Subway Project.

Kasama si Finance Secretary Benjamin E. Diokno, binisita ni Bautista ang JICA headquarters sa Tokyo, Japan para makapulong si JICA President Tanaka Akihiko. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *