Biyahe ng mga sasakyang pandagat sa ilang bahagi ng Southern Luzon, sinuspinde ng Coast Guard
Sinuspinde ng Philippine Coast Guard (PCG) ang biyahe ng mga sasakyang pandagat sa ilang lugar sa Southern Tagalog dahil sa epekto ng Bagyong Goring at Habagat.
Sa Notice to Mariners ng PCG Southern Tagalog, nakataas ang Gale Warning ng PAGASA sa Western at Southern Seaboards ng Southern Luzon.
Dahil dito, bawal munang maglayag ang lahat ng sasakyang pandagat na 250 GT at pababa patungo sa sumusunod lugar:
– Oriental Mindoro
– Marinduque
– Romblon
– Polilio Group of Islands
– Northern Quezon
– Batangas
– Southern Quezon
– Occidental Mindoro
Ayon sa PCG muling maglalabas ng abiso kung sakaling gaganda ang lagay ng panahon at babawiin ng PAGASA ang nakataas na gale warning. (DDC)