Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 5.5 na lindol
Tumama ang magnitude 5.5 na lindol sa lalawigan ng Davao Occidental.
Ang pagyanig ay naitala ng Phivolcs sa layong 214 kilometers southeast ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, 1:59 ng madaling araw ng Martes, Aug. 29.
May lalim na 15 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa Tupi, South Cotabato at sa Malungon at Kiamba, Sarangani.
Bago ito ay naitala din ng Phivolcs ang magnitude 4.1 na lindol sa parehong lugar.
Ang unang pagyanig ay naitala 1:51 ng madaling araw. (DDC)