Taguig School packages ipinamahagi na sa EMBO schools; scholarship program inilarga na din

Taguig School packages ipinamahagi na sa EMBO schools; scholarship program inilarga na din

Handang-handa na ang 14 Embo schools sa pagbubukas ng klase bukas araw ng Martes, Agosto 29.

Natanggap na ng mga mag-aaral mula sa EMBO schools ang school package na ibinigay ng Taguig LGU na ang mga laman ay nakadepende sa grade level ng mga estudyante.

Ang bawat school package ay mayroong bag, daily at PE uniforms, medyas, black shoes, rubber shoes at kumpletong set ng basic school supplies.

Sa daycare, kinder at elementary ay makakataggap ng 3 set ng uniform at 1 P.E set, black shoes sa high school at rubber shoes sa mga pre school.

Kumpleto din ang school kit na kinabibilangan ng backpack, writing notebook, composition notebooks, pad paper, at iba pang mahahahalagang gamit sa pag-aaral.

Ayon sa high school student na si Faith Nicole Daguio nangamba siya ng malamang ililipat sila sa Taguig subalit nang mag-ikot at mamahagi na si Taguig City Mayor Lani Cayetano ng school package ay nawala na rin ang kanilang agam-agam.

Sinabi naman ni Pitogo High School Administrative Officer Dr. Mary Rose M. Roque na ang pagtanggap nila ng school supplies sa Taguig ay hudyat ng pagtanggap nila sa pagbabago.

Samantala, inilarga na din ng Taguig ang kanilang Lifeline Assistance for Neighbors In-need (LANI) Scholarship Program para sa mga estudyante ng EMBO.

Ang scholarships sa Taguig ay limitado sa 10% ng graduating class bagkus ay bukas ito sa lahat ng year levels at hanggng sa nagrerebyu ng licensure examinations at post graduate studies.

May honor man o wala ang mga High school graduates ay maaring mag-apply ng P15,000 hanggang P50,000 kada taon na scholarship grant.

40,0 00 hanggang 50,000 naman kada taon sa mga gustong mag aral sa premier colleges at universities at P15,000 sa mga gustong kumuha ng technical at vocational courses.

Sa mga nagrerebyu ng board at bar exams ay mayroong one-time assistance na P15,000 hanggang P20,000 at dagdag na P50,000 pa kung papasok sa Top 10.

Nasa 3,200 licensed professionals na ang nakinabang sa nasabing programa.

Sa mga kumukuha ng Masters’ at Doctoral Degrees ay P18,000 hanggang P60,000 habang may tulong din na P50,000 na Thesis and Dissertation Grant o sa kabuuan ay nasa P110,000. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *