Klase sa lahat ng antas sa public at private schools sa Cagayan, suspendido bukas (Aug. 29)
Suspendido ang unang araw ng pagbubukas ng klase sa buong lalawigan ng Cagayan bukas, Aug. 29.
Sa inilabas na Executive order ni Cagayan Gov. Manuel Mamba, iniutos nito ang suspensyon ng klase sa sa lalawigan sa mga pampubliko at pribadong paaralan bukas, araw ng Martes.
Ito ay dahil sa epekto ng bagyong Goring sa lalawigan.
Ayon sa kautusan, nakapagtala ng pagbaha sa maraming lugar sa Cagayan bunsod ng naranasang pag-ulan at pagtaas ng tubig sa Cagayan River.
Sakop ng suspensyon ng klase ang mga mag-aaral mula pre-school hanggang kolehiyo.
Ayon sa Cagayan Provincial Information Office ang class suspension ay base na rin sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMO). (DDC)