Lisensya ng baril ng motoristang sangkot sa road rage sa QC binawi na ng PNP
Binawi na ng Philippine National Police (PNP) ang lisensya ng baril ng driver ng kotse na sangkot sa road rage incident sa Quezon City na naganap noong Aug. 8.
Matapos mag-viral ang insidente, agad inatasan ni Philippine National Police Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. ang Civil Security Group, partikular ang FEO License Revocation and Restoration Board na i-revoke ang License to Own and Possess Firearms (LTOPF) at ang firearm registration ng sangkot na motorista.
Iginiit ni Acorda ang kahalagahan ng responsible firearm ownership.
Ayon kay Acorda, ang pagkakaroon o pagmamay-ari ng armas ay hindi katumbas ng pagkakaroon ng unrestricted privileges kundi kaakibat nito ang pagiging responsable.
Kaugnay nito ay hinimok ni Acorda ang lahat ng gun owners na maging responsable responsibilities at tiyakin na ang kanilang mga hakbang ay ay may kaakibat na pagrespeto, accountability, at seguridad. (DDC)