70,000 Family Food Packs nakahanda sa Region 2 ayon sa DSWD
May nakahandang 70,000 na relief packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Cagayan Valley Region para sa mga maaapektuhan ng bagyong Goring.
Ayon sa DSWD, sa 70,000 na family food packs (FFPs), 41,480 dito ay naka-preposition na sa iba’t ibang local government units (LGUs) bago pa pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.
Sinabi ni DSWD Field Office 2 (Cagayan Valley) Regional Director Lucia Alan, na nakapagtala na ng 2,611 na pamilya na naapektuhan ng bagyo katumbas ng 8,547 na katao mula sa Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino.
Sa nasabing bilang, 716 na pamilya ang nasa mga evacuation centers.
Kabilang sa mga tumanggap na ng food packs ay ang mga apektadong pamilya sa Aparri, Gonzaga, at sa Cagayan.
Mayroon pang 30,074 na Family Food Packs sa limang warehouse ng DSWD sa Region 2 na nakahandang ipamahagi. (DDC)