Paghahain ng kandidatura ng mga tatakbo sa 2023 Barangay and SK Elections simula na ngayong araw

Paghahain ng kandidatura ng mga tatakbo sa 2023 Barangay and SK Elections simula na ngayong araw

Simula na ngayong araw (Aug. 28) ang paghahain ng certificate of candidacy ng mga kakandidato para sa 2023 Barangay and SK Elections (BSKE).

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), ang filing ng COC ay araw-araw mula Lunes hanggang Sabado, 8AM hanggang 5PM.

Ang paghahain ng COC ay sa City o Municipal Office of the Election Officer (OEO) na nakasasakop sa Barangay kung saan nais tumakbo at mahalal ng isang aspirante.

Tatagal ang filing ng COC hanggang sa Sept. 2, 2023.

Sa ilalim ng Section 191 ng Comelec Resolution No. 10924, maaaring ilipat ang mga lugar para sa paghahain ng COC dahil sa mga kadahilanan tulad ng usapin sa seguridad ng mga aspirante o empleyado ng Comelec, maliit na lugar, o iba pang mga batayan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *