Ilang pamilya sa Alcala, Cagayan isinailalim sa forced evacuation matapos makitaan ng bitak ang lupa sa isang barangay

Ilang pamilya sa Alcala, Cagayan isinailalim sa forced evacuation matapos makitaan ng bitak ang lupa sa isang barangay

May nakitang bitak ang mga otoridad sa lupa malapit sa Small Water Impounding Project (SWIP) sa Barangay Cabuluan, Alcala sa lalawigan ng Cagayan.

Minominotor ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng Alcala ang mga nakitang crack o mga bitak.

Ayon sa MDRRMO-Alcala, lumambot ang lupa dahil sa tuloy-tuloy na buhos ng ulan na dala ng bagyong “Goring” na dahilan ng pagkakaroon ng mga bitak.

Dahil dito, lang pamilya na naninirahan malapit sa lugar ang isinailalim sa force evacuation.

Ayon sa MDRRMO, pinangangambahan kasing bumigay ang Small Water Impounding Project. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *