BFP Region 2 nakaalerto na sa posibleng epekto ng bagyong Goring
Nakahanda ang Bureau of Fire Protection sa Region 2 sa pagresponde sa posibleng maging epekto ng Super Typhoon Goring sa rehiyon.
Nakaantabay at patuloy na nagmamasid ang BFP sa posibilidad ng paglikas ng mga residente na maaapektuhan ng bagyo.
Nagbigay-babala rin ang buong BFP sa magiging posibleng epekto ng naturang bagyo sa mga susunod na oras.
Pinapayuhan ng mga otoridad ang lahat ng residente na maging handa at maingat at sumunod sa payo ng kinauukulan. (DDC)