Pagbubukas ng FIBA World Cup naging mapayapa – DILG
Naging maayos ang pagpapatupad ng seguridad sa pagbubukas ng FIBA Basketball World Cup 2023.
Pinuri ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang Philippine National Police (PNP) at ang iba pang bahagi ng security forces para sa mapayapang pagsisimula ng 19th FIBA Basketball World Cup 2023 sa Ciudad de Victoria, Philippine Arena, Bocaue, Bulacan.
Sinabi ni Abalos na mananatiling nakatutok ang PNP sa FIBA hanggang matapos ang mga laro at makaalis sa bansa ang pinakahuling atleta.
Sa datos ng PNP, 2,589 na opisyal mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO), 363 mula sa from Police Regional Office 3, at 2,904 personnel mula sa iba pang ahensya ng gobyerno at force multipliers ang ipinakalat sa critical areas sa Metro Manila at Bulacan simula pa noong August 20 hanggang sa matapos ang FIBA games sa September 10. (DDC)