Mahigit 1,400 na katao apektado ng Super Typhoon Goring sa Cagayan

Mahigit 1,400 na katao apektado ng Super Typhoon Goring sa Cagayan

Umabot na sa 448 pamilya na katumbas ng 1,473 na indibidwal ang apektado ng Super Typhoon “Goring” sa probinsya ng Cagayan.

Batay sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang mga apektadong pamilya ay mula sa mga anim na bayan ng kinabibilangan ng Gonzaga, Lal-lo, Sta ana, Gattaran, Baggao at Sta Teresita.

Inilikas naman sa iba’t ibang evacuation center ang 141 pamilya o 388 na indibidwal habang ang iba ay pansamantalang nakipisan sa kanilang kaanak.

Hindi na nadaraanan ang Abariongan Ruar-Abariongan Uneg road, Tammuco-Balagan-Abaruangan Ruar Road at Tamban Bridge sa bayan ng Sto. Niño matapos umapaw ang tubig dala ng patulay na pag-ulan.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang monitoring ng PDRRMC katuwang ang mga MDRRMCs sa lalawigan sa banta ng Super Typhoon “Goring”. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *