Bagyong Goring lumakas pa, isa ng Super Typhoon ayon sa PAGASA
Lumakas oa ang bagyong Goring at umabot na sa Super Typhoon category.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa coastal waters ng Palanan, Isabela.
Ayon sa PAGASA, taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 185 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 230 kilometers bawat oras.
Mabagal ang kilos ng bagyo sa direksyong South Southwest.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa extreme eastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan).
Signal No. 2 naman ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:
– mainland Cagayan (PeƱablanca, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Santa Ana)
– eastern portion of Isabela (Dinapigue, Ilagan City, Maconacon, Cabagan, Tumauini, San Pablo, Benito Soliven, San Mariano)
– extreme northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran)
Habang Signal No. 1 sa sumusunod na mga lugar:
– Babuyan Islands
– rest of mainland Cagayan, – rest of Isabela
– Quirino
– Nueva Vizcaya
– Apayao
– Kalinga
– Abra
– Mountain Province
– Ifugao
– eastern portion of Benguet (Bokod, Buguias, Kabayan, Mankayan)
– eastern portion of Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Vintar, Carasi, Nueva Era, Banna, Marcos, Dingras, Solsona, Piddig, Dumalneg, Bangui)
– northeastern portion of Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Bongabon, Gabaldon, Laur, Rizal)
– northern and central portions of Aurora (Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora, San Luis)
– Polillo Islands
– Calaguas Islands
Ayon sa PAGASA, ngayong araw magpapaulan ang bagyo sa Isabela, Cagayan, Ilocos Region, Apayao, Abra, Benguet, northern portion ng Aurora, at eastern portion ng Nueva Vizcaya.
Ang Habagat na pinalalakas ng bagyo ay magdudulot din ng occasional o monsoon rains sa western portions ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas sa susunod na tatlong araw. (DDC)