P18.3M na halaga ng ‘cocaine’ nakumpiska sa babaeng pasahero sa NAIA T3

P18.3M na halaga ng ‘cocaine’ nakumpiska sa babaeng pasahero sa NAIA T3

Aabot sa 3,454 na gramo ng umano’y cocaine na nagkakahalaga ng P18,306,200 ang nakumpiska ng mga otoridad sa bagahe ng isang babaeng pasahero galing Addis Ababa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.

Kinilala ang suspek na si Zenaida Losloso y Esperanza, 49-anyos, residente ng Venus St. Jael Subdivision, Ilayang Iyam Lucena City.

Ayon sa inisyal na ulat ni NAIA PDEA-IADITG commander Gerald Javier, nitong Huwebes ng gabi lumapag sa NAIA Terminal 3 si Losloso sakay ng Ethiopian Airlines flight ET-644.

Nadiskubre ng customs examiner ang hinihinalang ilegal na droga sa ilalim ng bagahe ng suspek nang dumaan sa x-ray machine sa airport dahilan upang arestuhin ng mga tauhan ng Bureau of Customs at NAIA PDEA-IADITG si Losloso.

Agad itinurn-over ang narekober na ebidensiya sa NAIA PDEA IADITG para sa kaukulang dokumentasyon at pagsusuri habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *