Kooperasyon ng Makati hiningi ng Comelec at Taguig sa pag-turnover ng mga botante mula sa 10 EMBO barangays

Kooperasyon ng Makati hiningi ng Comelec at Taguig sa pag-turnover ng mga botante mula sa 10 EMBO barangays

Umapela ng kooperasyon ang Commission on Elections sa Makati City para masiguro ang maayos na pagdaraos ng Barangay at SK Elections sa 10 Embo Barangays.

Tiniyak ng Comelec na walang mangyayaring tensyon sa kanilang gagawing turnover at sa mismong eleksyon dahil mayroon silang nakalatag na procedural steps na susundin ng ibat ibang departamento.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ay gagawin sa Taguig Convention Hall simula August 28 hanggang September 2 habang ang mga botante mula sa 10 Embo Barangays ay hindi na kailangan na maparehistro muli para sa October Barangay at Sanggunian Kabataan Election (BSKE).

Ayon kay Garcia kanilang hihingin sa Makati na magamit ang mga paaralan na maging polling stations at kung hindi papayag ang lungsod, aatasan ang law department na gumawa ng hakbang para i-deputize ang Makati.

Aatasan naman ang Office of the Election Officer ng Makati at Taguig na maghanda ng bagong listahan ng mga presinto at bagong listahan ng qualified electoral boards.

Sa panig ng Taguig ay nagpasalamat ito sa Comelec sa naging tamang aksyon nito sa kautusan ng Korte Suprema.

Hinimok din ng Taguig LGU ang mga opisyal ng Makati sa pangunguna ni Mayor Abby Binay na magpamalas ng “spirit of cooperation” at pagrespeto sa kautusan ng kataas taasang hukuman. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *