Driver ng SUV na iniwan sa gitna ng kalsada sa Mandaluyong City ipatatawag ng LTO

Driver ng SUV na iniwan sa gitna ng kalsada sa Mandaluyong City ipatatawag ng LTO

Ipatatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang driver ng SUV na iniwan sa gitna ng kalsada sa La Salle Green Hills sa Mandaluyong City.

Iniutos ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente matapos matanggap ang liham mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Dismayado si Mendoza sa report ng MMDA na pagkatapos iwan sa gitna ng kalsada ang sasakyan ay punasok ang driver nito sa loob ng paaralan.

Bilang bahagi ng due process, sinabi ni Mendoza na magsasagawa sila ng imbestigasyon para matukoy ang pagkakilanlan ng driver ng SUV at saka ito ipatatawag sa ahensya para magpaliwanag.

Siniguro naman ni Mendoza na reresolbahin ang usapin sa layong madaling panahon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *