Bagyong Goring isa ng tropical storm; posible pang maging typhoon ayon sa PAGASA

Bagyong Goring isa ng tropical storm; posible pang maging typhoon ayon sa PAGASA

Lumakas pa ang bagyong Goring habang mabagal na kumikilos sa karagatan ng bansa.

Ang bagyo ay huling namataan sa layong 220 kilometers east southeast ng Basco, Batanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa sumusunod na mga lugar:

– Batanes
– eastern portion of Babuyan Islands (Babuyan Is., Camiguin Is.)
– eastern portion of mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, PeƱablanca)
– northeastern portion of Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan)

Ayon sa PAGASA, ngayong araw ay makararanas ng pag-ulan sa Batanes, Babuyan Islands at sa northeastern portion ng Cagayan.

Palalakasin din ng bagyong Goring ang epekto ng Habagat na maaaring makapagpaulan sa western portions ng Central Luzon at Southern Luzon simula bukas.

Bukas ayon sa PAGASA ay posibleng lumakas pa ang bagyo at umabot sa typhoon category.

Hindi rin inaalis ng PAGASA ang posibilidad na maging super typhoon ang bagyo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *