Seguridad na ipatutupad para sa FIBA World Cup, kasado na ayon sa PNP

Seguridad na ipatutupad para sa FIBA World Cup, kasado na ayon sa PNP

Kasado na ang ipatutupad na security measure para sa FIBA World Cup 2023.

Nagdaos ng inter-agency conference sa National Headquarters ng Philippine National Police sa Camp Crame sa pamumuno ni Police Lieutenant General Michael John F. Dubria – Acting Deputy Chief PNP for Operations (TADCO) at siya ring overall supervisor ng FIBA World Cup.

Dumalo sa pulong ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno
kabilang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Health (DOH), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Manila International Airport Authority (MIAA), at mga kinatawan mula sa Local Organizing Committee (LOC) ng FIBA.

Ayon sa PNP, magde-deploy ng 2,589 na tauhan mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO), 363 mula sa Police Regional Office 3 (PRO 3), at mayroong itatalagang 2,904 personnel mula sa iba pang ahensya ng gobyerno. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *