Lisensya ng driver na nag-iwan ng kaniyang SUV sa gitna ng kalsada sa La Salle Greenhills pinasususpinde sa LTO

Lisensya ng driver na nag-iwan ng kaniyang SUV sa gitna ng kalsada sa La Salle Greenhills pinasususpinde sa LTO

Hiniling ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Land Transportation Office (LTO) na suspendihin ang lisensya ng driver na nag-iwan ng kaniyang sasakyan sa gitna ng kalsada sa La Salle Greenhills sa Mandaluyong City.

Ayon sa MMDA, ang kanilang rekomendasyon ay naisumite na sa LTO.

Sa sulat ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes kay LTO Chairman Asec. Vigor Mendoza, hiniling nito na mapatawan ng karampatang parusa ang driver ng SUV dahil sa paglabag sa R.A. 4136 Sec. 54 kung saan ipinagbabawal ang sinuman na humarang sa dinadaanan ng ibang sasakyan.

Ayon kay Artes, ang ginawa ng nasabing driver ay malinaw na pag-abuso sa driving privilege at may katapat na parusang pagsuspinde sa kaniyang lisensya.

Noong Agosto 16, isang SUV ang nakitang nakatigil at iniwan gitna ng kalsada kung saan nagresulta ito sa pagbigat ng daloy ng trapiko sa lugar. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *