Heightened alert status ipinatupad sa MRT-3 para sa pagsisimula ng klase

Heightened alert status ipinatupad sa MRT-3 para sa pagsisimula ng klase

Nakataas na sa heightened alert status ang buong linya ng MRT-3 bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa darating na Agosto 29.

Inatasan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime J. Bautista ang MRT-3 na siguraduhin ang ligtas, maayos, at maginhawang biyahe sa pagbubukas ng klase.

Sinimulan na ng MRT-3 ang “Oplan Biyaheng Ayos: Balik Eskwela 2023” na iiral hanggang Setyembre 1.

Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino, kabilang sa pinatitiyak ni Bautista ang sapat na bilang ng tauhan na aagapay sa mga pasahero lalo na sa mga estudyanteng magbabalik-eskwela.

Ayon kay Aquino, mayroong mga tauhan sa Operations Division ng MRT-3 na 24/7 na nakatutok upang mabilis makaresponde sa anumang maiuulat na insidente sa kasagsagan ng balik-eskwela.

Mayroon ding sapat na bilang ng mga tren para matugunan ang pagtaas sa bilang ng mga pasahero.

Sa kasalukuyan, may 18 train sets na tumatakbo sa main line ng MRT-3 kapag peak hours at 3 hanggang 4 naman ang spare trains. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *