Oriental Mindoro niyanig ng magnitude 5.1 na lindol
Tumama ang magnitude 5.1 na lindol sa lalawigan ng Oriental Mindoro.
Ang epicenter ng lindol ay naitala ng Phivolcs sa layong 12 kilometers northwest ng bayan ng Bansud, 1:38 ng madaling araw ng Huwebes, Aug. 24.
Unang itinala ng Phivolcs ang magnitude 5.3 pero kalaunan ay ibinaba ito sa 5.1.
1 kilometer lamang ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity V
– Pinamalayan, ORIENTAL MINDORO
Intensity IV
– Bansud, and Gloria, ORIENTAL MINDORO
Agad ding nakapagtala ng magnitude 4.2 na aftershocks sa bayan ng Bansud 1:42 ng madaling araw.
Ayon sa Phivolcs posibleng makaranas pa ng mga aftershocks sa lugar. (DDC)