Toxic-free environment sa mga paaralan dapat tiyakin ayon sa grupong BAN Toxics

Toxic-free environment sa mga paaralan dapat tiyakin ayon sa grupong BAN Toxics

Nagsagawa ng on-site inspection ang isang toxic watchdog group sa dalawang paaralan sa Quezon City para matiyak ang pagkakaroon ng toxic-free environment sa mga estudyante at guro.

Ilang araw bago ag pagsisimula ng klase sa public schools, nagsagawa ng on-site inspection ang BAN Toxics Toro Hills Elementary School at Nick Joaquin Senior High School sa Quezon City.

Nakipagtulungan ang BAN Toxics sa QES Technology Philippines, Inc. para maisailalim sa screening ang mga heavy metals sa mga silid-aralan, walkway railings, painted walls pintuan, teacher’s tables at students’ chairs gamit ang XRF analyzer.

Ayon kay Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics, sa screening na ginawa sa mga pintura, lumitaw na mababa sa at pasok sa 90 ppm (parts per million) threshold limit ang taglay nitong kemikal.

Nangangahulugan ito ayon kay Dizon na sumunod ang paaralan sa itinatakda ng Department of Education (DepEd) na paggamit ng lead-safe na pintura.

Sa kautusan ng DepEd, tanging ang lead-safe coatings o pintura ang dapat gamitin sa lahat mg all pre-school, elementary at secondary schools.

Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang pagkakalantad ng mga bata sa nakalalasong lead. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *