Mga lansangan na gagamitin sa FIBA World Cup sinigurong maayos ayon sa DWPH-NCR

Mga lansangan na gagamitin sa FIBA World Cup sinigurong maayos ayon sa DWPH-NCR

Nagsagawa ng maintenance activities ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga lansangan na gagamitin para sa FIBA World Cup (FIBAWC) 2023.

Kabilang dito ang mga kalsada na mula at patungo ng paliparan, hotels, at mga venue para sa FIBA World Cup.

Ayon kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, sa report mula kay DPWH National Capital Region Director Loreta M. Malaluan, simula pa noong Hulyo ay inatasan na ang DPWH District Engineering Offices sa Metro Manila na magbigay ng suporta sa Philippine Sports Commission (PSC) sa pamamagitan ng pagtitiyak na ang FIBA routes ay maayos ang kondisyon.

Ang DPWH ay bahagi ng Inter-Agency Task Force na nasa likod ng paghahanda, pag-organisa at hosting ng FIBA World Cup na tatagal hanggang September 10, 2023.

Ani Bonoan, nagsagawa ang DPWH ng pothole operations para masiguro na ang mga kalsada patungo sa event venues gaya ng Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City at Mall of Asia Arena sa Pasay City ay maayos at walang sira.

Isinagawa din ang emergency road repairs sa ilang bahagi ng EDSA Carousel kamakailan na nasira ng nagdaang mga pag-ulan.

Sa kasagsagan ng aktbidad para sa FIBA suspendido mula ang road works ng DPWH sa NCR. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *