Bidding para makapili ng kumpanya para sa rehabilitasyon at maintenance ng NAIA, binuksan na ng DOTr at MIAA
Binuksan na ng Department of Transportation (DOTr) at ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang bidding para makapili ng kumpanya para sa rehabilitasyon at pagme-mentena ng Ninoy Aquino International Airport.
Sa Invitation to Bid, inanyayahan ang mga interesadong partido na lumahok sa bidding para sa kontrata sa pag-rehabilitate, pag-operate at pag-mentena ng NAIA sa ilalim ng Rehabilitate-Operate-Expand-Transfer arrangement.
Ayon sa abiso, bukas ang bidding sa lahat ng interesadong foreign at local parties salig sa mga kondisyon sa ilalim ng Bidding Documents, Saligang Batas, at Build-Operate-and-Transfer (BOT) Law.
May babayarang participation fee na P2.7 million para sa mga lalahok sa proseso. (DDC)