Pamamahagi ng school supplies ng Makati City LGU sa 14 na disputed schools sa EMBO inaprubahan ng DepEd
Inaprubahan ng Department of Education (DepEd) ang kahilingan ng Makati City LGU na makapagpamahagi ng school supplies at iba pang gamit sa mga estudyante ng labingapat na eskwelahan sa EMBO Barangays.
Sa liham na nilagdaan ni DepEd Undersecretary and chief of staff, Michael Wesley Poa, ipinabatid kay Makati City Mayor Abby Binay ang pag-apruba sa kaniyang kahilingan.
Unang nagsumite ng request si Binay sa DepEd para makapagsagawa ng aktibidad sa mga paaralan sa EMBO Barangays.
Kabilang sa inaprubahan ng DepEd ang pamamahagi ng Makati City LGU ng school supplies sa 14 na paaralan na bahagi ng territorial dispute.
Dahil dito sinabi ni Binay na isasagawa nila ang pamimigay ng school supplies sa 45,000 nasabing mga paaralan. (DDC)