Pasok sa lahat ng Korte sa Metro Manila at Bulacan supendido din sa Aug. 25

Pasok sa lahat ng Korte sa Metro Manila at Bulacan supendido din sa Aug. 25

Suspendido ang pasok sa mga korte sa Metro Manila at sa lalawigan ng Bulacan sa Aug. 25.

Ito ay kaugnay ng pagbubukas ng FIBA World Cup 2023 kung saan ang opening ceremonies ay idaraos sa Philippine Arena sa Bocaue Bulacan.

Ayon sa abiso, suspendido ang pasok sa Korte Suprema gayundin sa Court of Appeals, Court of Tax Appeals, Sandiganbayan, at lahat ng first at second level courts.

Una ng naglabas ng abiso ang North Luzon Expressway (NLEX) na maaaring makaranas ng pagsisikip sa daloy ng traffic sa Aug 25 dahil sa aktibidad sa Philippine Arena.

Tiniyak naman ng pamunuan ng NLEX na magtatalaga ng sapat na bilang ng mga traffic personnel sa lugar para magmando sa daloy ng traffic. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *